#Consumer Affairs
Target:
Primewater Subscribers in and around Bacoor, Cavite City
Region:
Philippines
Website:
www.facebook.com

Kami, ang mga residente ng Bacoor, Cavite (kabilang ang Molino IV at mga karatig-barangay), ay pinipilit magbayad para sa tuyong gripo at maruming tubig. Humihingi kami ng agarang aksyon at interbensyon mula sa mga ahensya ng pamahalaan.
Ilang buwan nang nagtitiis ang libu-libong kabahayan sa Bacoor sa malubha at walang-abalang interruption sa serbisyo ng tubig, kawalan ng pressure, at madilaw o maputik na tubig. Sa kabila ng pagpapalit ng pamamahala mula sa PrimeWater Infrastructure Corp. patungong Crystal Bridges Holding Corp., lalo pang lumala ang palpak na serbisyo.
Ang masakit pa rito, pinipilit pa rin ang mga konsyumer na bayaran ang Monthly Basic Charge at buong singil sa buwanang bill para sa serbisyong hindi naman pakikinabangan. Ito ay tahasang paglabag sa karapatan ng mga mamimili at sa diwa ng mga direktiba mula sa Malacañang.

Naninindigan kami sa LWUA-NWRB Joint Memorandum Circular ukol sa "No Service, No Pay" Policy na may suporta ng Malacañang. Malinaw na isinasaad ng polisiyang ito na:
1. Ang matagalang kawalan ng maayos na serbisyo na lumampas ng 30 araw ay dapat mag-trigger ng awtomatikong exemption sa pagbabayad.
2. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkaputol ng linya ng tubig (disconnection) habang may matagalang aberya ang utility provider.
3. Ang pagbabago sa pagmamay-ari o pamamahala ng korporasyon (mula PrimeWater patungong Crystal Bridges) ay hindi nagpapawalang-bisa sa mga pananagutan ng PrimeWater sa palpak na serbisyo.
4. I-waive ang temporary reconnection fee P150 at permanent reconnection fee P2000.
5. Ibalik ang ating bayad bunga ng palpak na serbisyo at labis na kawalan ng kasagutan sa aming mga hinaing.

GoPetition respects your privacy.

The Obligahin ang Crystal Bridges (PrimeWater) na Itigil ang Monthly Basic Charge at Ibalik ang Bayad ng mga Konsyumer sa Bacoor! petition to Primewater Subscribers in and around Bacoor, Cavite City was written by Bopeep Espiritu and is in the category Consumer Affairs at GoPetition.